Stories of Heartbreaks
Dahil sa wala akong magawa ngayong weekend at tinatamad pa akong harapin ang Financial Accounting Book ko… Nauwi na naman ako sa paborito kong gawin ang magbasa. Kaso imbis na ma-inlove ako sa kwento eeh.. nalungkot ako at medyo nadismaya. Stories of heartbreak kasi ang nabasa ko na mga stories.. ewan ko ba super ganda naman ng flow puros nakakakilig na scenes tapos pagdating sa dulo. AWWW. Isang malaking Heartbreak lang pala ang mapapala ko. Oo medyo nakakainis nga at nakakalungkot pero infairness naman, Ang galing ng mga author biruin mo yun.. ang lakas ng loob niyang gumawa ng isang istoryang hindi pasok sa mga ineexpect ng tao. Yung mga tipong Happily-everafter-stories bagkus pinatunayan niya na Once-upon-a-time lang minsan ang mga storya. Namulat tuloy ako sa katotohanang hindi lahat ng storya ng buhay natin ay masaya. yung tipong akala mo okay na, yung tipong eto na yung mangyayari sa future. pero hindi pala, lahat pwedeng magbago. Sabi nila Change is the only constant thing in the world. Hayyy. Dami kong sinabi…
Pasensya na nalungkot lang talaga ko ng bongga sa totoo nga niyan eh, medyo napaluha ako pero siyempre pinigilan ko no, mahirap na sabihin pa nilang baliw na ko dito HAHAHA.
Spoiler na ako pero kung gusto niyong basahin eeh ito yung mga link.
MVP (most valuable place)
I met a jerk whose name is SEVEN
1/27 older »
|